Monday, July 6, 2009

an taytold.....

Habang nagbabasa ako ng review book ko sa labor law, naalala ko bigla ang national bookstore na pinuntahan ko nung huwebes para tumingin ng law books. Ewan ko kung bakit sumagi sa isip ko yun, pero siguro dahil narin kasi nagbabasa ako ng libro nun. Everytime kasi na pupunta ako sa mga lugar, di ko maiwasang magmasid ang mag observed sa mga nangyayari sa paligid. Sa loob ng bookstore, napapansin ko maraming activities ang ginagawa ng mga tao run. May naglakad at namimili ng mga school supplies, meron din tumingin sa nga libro at meron din nag chichikahan. Ibat iba pero maramil ibat ibang kwento din ang napapaloob dito. Isang kwento na maaring bumuhay sa isipan ko ang mga libro sa book section. Sari - saring categories from children's books hanggang sa guide to better life. Lahat na yata ng categories, andun na. Habang pinagmamasdan ko ang mga tao na pumupunta sa book section, malimit dun sila pumunta sa mga interesting sections. Suki ang best seller sections, love and relationship, fictions at kung ano ano pa. Pero kung may dinudumog, meron ding nilalangaw. Yun ang mga boring sections, yung parang si eintein lang at mga genius ang magkakainteres na bumasa dun.

Di ko rin maiwasan ang obserbahan ang mga taong namimili ng libro sa book sections. May mga tao na kung mamili ng libro, tinitingnan lang ang cover at ang presyo nito. Meron din iba, kahit alam nila na naka cellophane, pilit parin buksan upang matingan ang loob nito. Meron din na tumitingin lang sa design at book packaging nito, kahit di nila alam kung ano title nito. Meron din naman na tumitingin lang sa presyo nito. May mamimili din na nahihirapan mag decide kung ano ang gusto, kaya kinokumpara ang dalawang libro, kung ano ang mas maganda at saka yun ang bibilhin. Meron din namimili na titingnan ang title at at saka bibilhin. Ibat ibang katangian pero pwede bigyan ng kahalagahan sa pagtuklas ng mga aral sa buhay.

Mahihintulad ko ang mga karanasan aking nasaksihan sa tunay na buhay ng tao. Ang pagpili ng libro, ay mahahalintulad sa pagpili ng kaibigan or ang pakikitungo sa kapwa. Ibat ibang katangian na kung palalaliman ay nakasalamin sa mga tunay ugali nating mga tao.

May mga tao tumitingin lang sa panlabas na kaanyuan, ito ang kanilang basehan sa pagpili ng kaibigan or pakikitunguan. Kapag may kaaya - aya kang pagmumukha, malamang marami kang kaibigan. Kung di naman masyado, meron parin pero di na tulad nung nasa taas. Mga taong ma japorms,may dating at malakas ang hatak, pasok dito sa kategoryang ito.. Ito yung taong namimili ng libro base sa cover at presyo.

May mga tao rin, mahilig sumiksik at maki"in" kahit alam nilang silay nahihirapan. Ito yung klase nggagawin na ang lahat para lang matanggap ng lipunan or ng tropa.Pero ang problema, nagkakaroon ng masamang epekto sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang pinaka the best na description nito ang yung "social climber", na pilit isinisiksik ang sarili para bumagay sa iba.Kahit hirap na hirap na makibagay, sige lang ng sige para lang matanggap. Marami tayo nito sa atin..

May mga tao din nakikitungo or nakikipagkaibigan para matustusan ang sariling interes, yung tipong kaibigan lang sa panahon ng pangangailangan. Kahit na masama ang title nito, or ang reputasyon sa lipunan, basta nakakatulong, ok parin, kung sabagay di naman talaga tunay na kaibigan kundi sa tuwing may kelangan lang... Ang opossite nito, gagamitin ang advantage para maka gain ng friends..

Meron din mga taong balimbing, or di makapagpasya kung saan talaga siya pupunta. Kung saan ang safe dun cya. Eto yung taong "go with the flow, kung saan ang hangin dun cya.. Eto yung namimili ng libro na pilit nagkokompara kung saan ang pinakamaganda..

Meron din taong di tinitingnan ang labas, ang katayuan, ang estado kung di ang kaloob looban nito. Eto yung tao namimili ng libro na tinitingnan ang pamagat at bibilhin kahit di niya alam kung ano loob nito. Eto yung tao na tinitingan ang kalooban ng tao at di nanghuhusga kung ano at kung sino cya. eto yung taong binibigyan ng halaga ang ng isa, binigyan ng oras para intindihin ang tao pakikitunguan niya.

Mga karaniwang pangyayari pero may malalim na kahulugan, mga leksiyon na andyan pero minsan di natutunan at madalas nakakaligtaan. subukang magmasid at alamin ang aral na dinadala nito... Ang karanasan ay malawak at ang aral nito ay walang katapusan, kaya wag pag aksayahan at ipagwalang bahala ang mga pangyayari sa kapaligiran. Makabuluhan man o wala, pero sigurado ako, may aral itong laman....

review mode muna.......

No comments:

Post a Comment